MEMBER LOGIN





Programa, aktibidad sa mga rehiyon, dadaan sa audit - DOLE

from October 10, 2017 01:00 am to October 10, 2017 01:00 am

https://www.dole.gov.ph/news/view/3880

 

Upang matiyak ang mahusay na pagtupad sa tungkulin,  at maging maayos ang paghahatid ng serbisyo, nakatakdang magsagawa ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng audit inspection sa lahat ng mga regional at field office nito sa bansa.

Batay sa Administrative Order No. 430, itinakda ni Labor Secretary Silvetsre H. Bello III ang pagsasagawa ng audit sa mga opisina ng DOLE kasabay ng pagbuo niya ng Regional Inspection Audit Team upang matiyak ang mahigpit na pagpapatupad ng mga labor laws compliance system sa buong bansa. Ang regular na inspeksyon at pagsasagawa  ng audit ay ilulunsad kada semestre ng taon.

“Lahat ng mga DOLE Regional Directors, labor inspector, at iba pang opisyal at empleyado na  ay tungkuling magpatupad ng mga inspeksyon sa mga programa at aktibidad ng DOLE ay babantayan rin. Dapat nating masiguro na ang mga nagpapatupad ng batas ay sumusunod sa panuntunan at isinasaalang-alang ang kanilang mga responsibilidad,” wika ni Bello.

Biglaan lamang ang mga isasagawang inspeksyon at hindi magbabatay sa anumang reklamo laban sa isang opisyal o empleyado ng DOLE. 

Dapat na magsumite ng kanilang audit report sa DOLE Secretary ang mga Regional Inspection Audit Team sa loob ng 30 araw matapos ang isinagawa nilang inspeksyon para sa kaukulang aksyon at direktiba. 

Sa oras na mapatunayang may nilabag na probisyon sa Code of Conduct ang mga opisyal at empleyado ng DOLE, maaari silang sampahan ng kasong administratibo at mapaparusahan ng naaayon sa itinatakda ng Administrative Order No. 55, series of 2013 o ang ‘Rules on Disposition of Administrative Complaints and Cases’ sa Department of Labor and Employment.

Ang nasabing kautusan ay inilabas upang mas palakasin ang pagpapatupad ng mga labor laws compliance system sa bansa.  

#Abegail De Vega/ Paul Ang



 

Click for ANCW Facebook account 

 

VIDEOS 

 

Some businesses may pass on wage, SSS contribution hike to products, services

 

 

Wage earners face smaller take-home pay with looming SSS contribution hike

 

 

BT: ALU-TUCP: Kasalukuyang sahod, hindi sapat para sa pamilyang may limang miyembro

 

 

Dagdag sahod para sa minimum wage earners sa NCR, inaprubahan

 

 

 

Sapilitang pagpapasuot ng high heels sa trabaho, bawal na simula ngayong araw

 

 

More Videos....

 

SITE VISITS

No. Of Guests On Pages