MEMBER LOGIN





7M Pinoy workers makikinabang sa tax reform

from December 4, 2017 01:00 am to December 4, 2017 01:00 am

 

http://www.abante-tonite.com/7m-pinoy-workers-makikinabang-sa-tax-reform.htm

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang bersyon nito ng panukalang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) o ang pagreporma sa sistema ng pagbubuwis sa bansa.

Ito ay matapos bumoto pabor sa panukala­ ang karamihan sa mga senador na inisponsor ni Senador Sonny Angara.

Ilan sa mga co-author ng TRAIN o ng Se­nate Bill 1592 sina Se­nate President Koko Pimentel, Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, Senate Majority­ Leader­ Tito Sotto, Se­nate Minority­ Leader Franklin Drilon, kasama ang mga senador na sina Cynthia Villar, Loren Legarda, Richard Gordon, Migz Zubiri, JV Ejercito, Nancy Binay, Bam Aquino, Chiz Escudero, Joel Villanueva at Sherwin Gatchalian.

Nakapaloob sa bersyon ng Senado ang 31 Senate bills, kabilang ang tatlong House bills at tatlong resolusyon ng Mataas na Kapulungan.

Sa inaprubahang Senate version, kabilang sa mga libre sa buwis ang unang P250,000 annual taxable income; ang 13th month pay at iba pang bonuses ng isang empleyado na aabot sa kabuuang P82,000 pababa.

Dahil sa tax-free ang taunang income ng mga manggagawang kumikita ng P250,000 pababa, makatitipid o makapagtatabi na sila ng P21,000 taon-taon.

Dahil dito, makikinabang sa komprehensibong reporma­ sa buwis ang tinata­yang 99 porsyento ng taxpa­yers sa bansa o 7.5 mil­yong individual tax payer­s.

“Sa kasaysayan ng pagbubuwis sa bansa, ito na ang pinakamala­king income tax relief na maipagkakaloob natin sa mga manggagawa.

Mas malaking pera ang ilalagay natin sa bulsa­ ng mga Pinoy dahil ang gusto natin ay ga­wing patas ang ating income tax na sa pag­daan ng panahon ay hindi naging­ makatarungan,­” ayon kay Angara, chairman ng Senate ways and means committee na nanguna sa pagdinig ng tax reform sa Senado.

Sa pagtataya ng Department of Finance, sa pamamagitan ng bagong sistema ng pagbubuwis­, maaaring kumita ang gobyerno ng mula P100B hanggang P127B kada taon.

Tinataya namang 60\\\\% ng malilikom na halaga sa mga bagong buwis ang mapupunta sa impraestraktura habang 27 porsyento naman ang ilalaan sa social protection programs tulad ng unconditional cash transfer sa mga pinakamahihirap na pamilya. Ang natitirang 13 por­syento ay ilalagak sa mga programa para sa military modernization.

“Ang repormang ito, hindi panandalian lang ang maitutulong sa atin. Mapapakinabangan natin ito sa mahabang panahon at marami sa ating mga kababayang salat sa buhay ang masusuportahan,” ayon naman kay Senate President Koko Pimentel.

Nilinaw naman ni Angara na hindi biro ang ginawang pagdinig ng kanyang komite sa tax reform package sapagkat bawat pagdinig ay umaabot ng hanggang 12 oras at umabot na ng ilang buwan.

Hindi­ rin ito aniya pinag-aralan ng iilang sektor lamang sapagkat kada pagdinig ay dinadaluhan ito ng mga miyembro ng iba’t ibang sektor na may kinalaman sa tax issues.



 

Click for ANCW Facebook account 

 

VIDEOS 

 

Violence against women: not in my union, not in my workplace

 

 

Mga manggagawang walang kita sa ASEAN holidays, sabik nang magbalik-trabaho

 

 

Some businesses may pass on wage, SSS contribution hike to products, services

 

 

Wage earners face smaller take-home pay with looming SSS contribution hike

 

 

BT: ALU-TUCP: Kasalukuyang sahod, hindi sapat para sa pamilyang may limang miyembro

 

 

 

 

More Videos....

 

SITE VISITS

No. Of Guests On Pages