MEMBER LOGIN





Janitor nanakawan ng P16,000 sa Pag-IBIG card

from January 4, 2018 01:00 am to January 4, 2018 01:00 am

http://news.abs-cbn.com/news/01/04/18/janitor-nanakawan-ng-p16000-sa-pag-ibig-card

MANILA - Dumulog sa mga pulis, Huwebes, ang isang janitor na nanakawan ng mahigit P16,000 na cash loan mula sa kaniyang Pag-IBIG Fund card. 

Kuwento ng biktimang si Joseph Vega, 45, nito lang Disyembre naaprubahan ang kaniyang P39,400 na loan na natanggap niya sa cash card. 

Nitong Disyembre 22, tatlong beses aniya siyang nag-withdraw gamit ang card sa dalawang mall sa Quezon City. Ginamit din niya ang card nang bumuli siya ng cellphone at data plan.

Nagtira umano si Vega ng P16,000 sa card para sa matrikula ng kaniyang anak sa kolehiyo kaya nagulat siya nang makitang P10 na lang ang balanse nito noong Martes. 

Nang ipa-check niya sa bangko ang card, natuklasan niyang nagamit ito sa ibang transaksiyon, kabilang ang online purchases sa Makati, Quezon City at Sweden.

Sinubukan din aniyang gamitin ang card para sa transaksyon sa United States kahit wala na itong balanse. 

Nagpa-blotter na si Vega sa mga pulis at hiniling na suriin nila ang CCTV footage sa mga lugar kung saan niya ginamit ang Pag-IBIG Fund card. -- Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News



 

Click for ANCW Facebook account 

 

VIDEOS 

 

Violence against women: not in my union, not in my workplace

 

 

Mga manggagawang walang kita sa ASEAN holidays, sabik nang magbalik-trabaho

 

 

Some businesses may pass on wage, SSS contribution hike to products, services

 

 

Wage earners face smaller take-home pay with looming SSS contribution hike

 

 

BT: ALU-TUCP: Kasalukuyang sahod, hindi sapat para sa pamilyang may limang miyembro

 

 

 

 

More Videos....

 

SITE VISITS

No. Of Guests On Pages