MEMBER LOGIN





Jollibee boss suportado ang kampanya vs endo

from April 12, 2018 01:00 am to April 12, 2018 01:00 am

http://news.abs-cbn.com/business/04/12/18/jollibee-boss-suportado-ang-kampanya-vs-endo

MILAN, Italy - Nagpahayag ng suporta ang chief executive officer (CEO) ng Jollibee nitong Miyerkoles para sa kampanya ng pamahalaan na wakasan ang end-of-contract or ''endo'' scheme.

Inatasan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Jollibee nitong nakaraang linggo na gawing regular ang 7,000 empleyado nito.
 
“We fully support the government on the 'endo' and that’s why we have instructed our service providers to regularize all our employees with the security of tenure and benefits, so we support President Duterte in ending contractualization,” sabi ni Jollibee CEO Ernesto Tanmantiong.

Bumisita sa Milan si Tan para sa pagbubukas ng kauna-unahang Jollibee store sa Europe.

Ibinida rin ni Tanmantiong ang partnership ng Jollibee sa isang Italian non-profit organization na Opera Cardinal Ferrari sa pagsasagawa ng quarterly feeding at iba pang outreach activities sa Milan.

Inaasahaang magkakaroon pa ng ibang branches ang Jollibee sa Milan, na magbibigay job opportunities sa mga Pilipinong nais mabago ang kanilang trabaho mula sa pagiging household service workers.