MEMBER LOGIN





Tambay lumobo dahil graduation

from May 8, 2018 01:00 am to May 8, 2018 01:00 am

https://tonite.abante.com.ph/tambay-lumobo-dahil-graduation.htm

Hindi ikinabahala ng Malacañang ang inilabas na 1st quarter survey ng Social Wea­ther Stations (SWS) kung saan naitalang tumaas ang bilang ng mga adult Filipinos na walang trabaho nga­yong 2018.

Mula sa 15.7\\\\\% noong December 2017 ay tumaas ito ng 23.9\\\\\% ngayong buwan ng Marso.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ginawa ang survey mula March 23-27 kung saan katatapos lang ng semestre ng mga estudyante kaya marami ang nagha­hanap ng trabaho.
Ang buwan ng Di­syembre aniya ay sad­yang maraming trabaho na matatawag na “seasonal jobs” dahil ito ay panahon ng kapaskuhan.

Umaasa aniya ang administrasyon na sa pamamagitan ng Build-Build-Build infrastructure plan ay makakalikha ang gobyerno ng dagdag na oportunidad at trabaho para sa mga Filipino.