MEMBER LOGIN





Bilang ng Pilipinong walang trabaho, tumaas

from June 14, 2019 01:00 am to June 14, 2019 01:00 am

https://www.gmanetwork.com/news/publicaffairs/bawalangpasaway/697244/bilang-ng-pilipinong-walang-trabaho-tumaas/story/?pa_thisweek

 

BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE: UNEMPLOYMENT SA PILIPINAS
MONDAY, 10 JUNE 2019
10:15 PM ON GMA NEWS TV

 Mahigit walong daang libong college graduates ang walang trabaho ayon sa Department of Labor and Employment. Halos isang milyon din ang walang trabaho kahit nakatuntong o nakapagtapos ng high school. Sa kabila ng 5.6\% GDP growth sa first quarter ng 2019, ayon sa dating Dean ng School of Labor and Industrial Relations ng University of the Philippines na si Rene Ofreneo, hindi ito nangangahulugan na umuunlad din ang sektor ng paggawa.


Daing naman ng mga may trabaho, kulang pa rin ang kanilang sahod. Sa katunayan, itinutulak ng Trade Union Congress of the Philippines ang pagtataas ng minimum wage sa P1,245 kada araw mula sa P537. Pero ayon kay Department of Labor Director Dominique Tutay, bago ito pagtuunan ng pansin, kailangan munang ayusin ang "basic foundation" sa “human capital” tulad ng mga programang pangkalusugan at pang- edukasyon. Ganunpaman, napakahalaga umano ng minimum wage, "We cannot remove the minimum wage kasi yun ang safety net," ayon kay Tutay. Giit naman ni Dean Ofreneo, sa pangkalahatan, dapat ay tutukan din ng pamahalaan ang pag-angat ng kalagayan ng mga mahihirap para ang lahat ay umunlad, “Ang way forward ay to upgrade the industry. Kapag nagroll ang productivity, [dapat] magkaroon ng sharing."

Usaping kayod at sahod ni Juan, ngayong Lunes 10:15 pm sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie.

------

Unemployment, underemployment and low wages -- these are the issues that continue to plague the Philippines’ labor force. Mareng Winnie breaks down the numbers and discusses the issues of labor, productivity and the value of human capital this Monday with the former Dean of the University of the Philippines’ School of Labor and Industrial Relations Rene Ofreneo and Department of Labor Director Dominique Tutay.