MEMBER LOGIN





Work from home ipatupad na-Villanueva

from October 14, 2019 01:00 am to October 14, 2019 01:00 am

 

https://tonite.abante.com.ph/work-from-home-ipatupad-na-villanueva.htm

Dapat na umanong ipatupad ng mga employer ang telecommu­ting o work-from-home scheme sa bansa para manatiling produktibo ang mga manggagawa.

Ito ang panawagan ni Senador Joel Villa­nueva, chairman ng Senate labor ­committee sa gitna nang nangyayaring transportation crisis sa Metro Manila.

“We want to create more options for our employees to fulfill their duties while minimizing the need to go out of their homes and travel to their places of work,” pahayag ni Villanueva sa isang statement.

“Given our worsening traffic situation which is compounded by the partial shutdown of the LRT-2, it’s really high time for employers to consider the benefits of telecommuting,” dagdag pa nito.

Ginawa ni Villanueva ang pahayag matapos magkaroon ng temporary shutdown ang LRT-2 nitong nakaraang linggo dahil sa nasunog na power rectifier.

Base sa Telecommu­ting Law, voluntary ang telecommuting program pero hindi dapat mabawasan ang sahod at ­benepisyo ng mga manggagawa at kailangan pa ring ipatupad ang mga labor standard sa oras ng trabaho at pahinga.

Ayon kay ­Villanueva, author ng Telecommu­ting Law, pinag-aaralan na umano ng ­Department of ­Labor and Employment (DOLE) kung anong trabaho ang puwedeng isailalim sa ‘telecommuting arrangement’

“Para po sa kapaka­nan ng ating mga manggagawa, hinihikayat ­natin ang DOLE na ­itaas pa ang kaalaman ­tungkol sa batas na ito,” sabi ni Villaneuva.

Ang ­Telecommuting Law o “Work from Home” Law, ay ­nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Disyembre 20, 2018. (Dindo Matining)