MEMBER LOGIN





ALU-TUCP, nagparating ng pakikiramay sa pagpanaw ni John Gokongwei

from November 11, 2019 01:00 am to November 11, 2019 01:00 am

https://rmn.ph/alu-tucp-nagparating-ng-pakikiramay-sa-pagpanaw-ni-john-gokongwei/

 Manila, Philippines – Nagpaabot din ng pakikiramay ang Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) sa pamilya pumanaw na business tycoon na si John Gokongwei.

 

Ayon kay ALU-TUCP National Executive Vice President Gerard Seno, kinikilala nila ang naging ambag ni Gokongwei sa pagkalinga sa mga manggagawa.

Maalala aniya ang negosyante sa paggiging bukas palagi sa diyalogo upang mapagbuti ang kapakanan ng mga empleyado sa mga Gokongwei family-owned company.

Pinapurihan din ng ALU-TUCP si Gokongwei dahil sa mga serbisyong inihatid sa mga mahihirap at ang naging kontribusyon nito sa pagpapalakas ng bansa.