MEMBER LOGIN





Redeployment ng Pinoy repatriates mula China, dapat paghandaan ng pamahalaan

from February 7, 2020 01:00 am to February 7, 2020 01:00 am

 

http://radyopilipinas.ph/rp-one/articles/national/redeployment-ng-pinoy-repatriates-mula-china-dapat-paghandaan-ng-pamahalaan

 Ipinanawagan muli ni House Committee on Overseas Workers Affairs Chair at TUCP Partylist Representative Raymond Democrito Mendoza na dapat ay mayroong konkretong plano ang pamahalaan para sa mga Pilipino na mare-repatriate mula China, dahil sa 2019-nCoV ARD.

Ayon kay Mendoza, karamihan sa overseas Filipino workers (OFWs) na nasa China ay piniling hindi na magpa-reptariate, dahil mas maayos anila ang health system sa China.

Ngunit bukod dito, karaniwan nang pangamba ng mga repatriated OFW ang kawalan ng bagong trabaho o kabuhayan.

Hiling ng mambabatas sa Department of Labor and Employment (DOLE) na agad makakahanap ng alternatibong bansa na maaaring pagtrabahuhan ng mga uuwing OFW.

Ilan sa naunang binanggit ng DOLE ay ang Canada, Russia at Germany.

Kailangan rin aniya, na mayroon timeline ang ahensya sa kung kailan maipapatupad ang redeployment ng mga OFW.

Hiniling na rin ni Mendoza, ang pang unawa ng mga OFW na uuwi, na kailangan nilang sundin ang protocol at sumailalim sa 14-day quarantine period para na rin sa kaligtasan nila at ng publiko.