MEMBER LOGIN





Mga sumundo sa mga Pinoy sa China, kinilala ng Trade Union Congress of the Philippines

from February 10, 2020 01:00 am to February 10, 2020 01:00 am

 

https://www.brigadanews.ph/article/national/Mga-sumundo-sa-mga-Pinoy-sa-China\%2C-kinilala-ng-Trade-Union-Congress-of-the-Philippines

Kinilala ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang matagumpay na pagsundo ng mga opsiyales ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Health (DOH) sa mga Pinoy repatriates mula Wuhan, China.

Pasado alas 8:20 Linggo ng umaga ng lumapag sa bansa ang chartered flight ng Philippine Air Lines (PAL) sakay ang 32 OFW’s na agad idineretso sa quarantine facility sa New Clark City, Capas, Tarlac.

Pinapurihan ng TUCP ang mga piloto, cabin crew at mga opsiyal ng pamahalaan na tumaggap sa delikadong misyon sa kabila ng banta ng 2019 Novel Corona Virus o nCoV.

Umapela din ang grupo na bayaran ang 14-day quarantine period hazard pay ng mga piloto, crew at mga opisyal.

Samantala nanawagan naman ang TUCP sa Department of Labor and Employment (DOLE) na ihanap ng trabaho sa bansa ang mga Pinoy repatriates na umuwi sa bansa dahil sa banta ng nCov. // Robert Dela Vega